hangganan

ako ang taong gustong sumaya kaya sinusubukan kong makita ang mga bagay-bagay sa kagandahan na mayroon sila… pero ang katotohanan, hindi ako sanay nang ganito… kasi ayaw kong umasa, ayaw kong maghangad sa bagay na walang kasiguraduhan.

mas gusto ko pang huwag umasa kasi pag ganito hindi ako mabibigo ng ibang tao kasi ako na mismo ang nagbigay ng kabiguan sa sarili ko. kung gagawin ko ang maniwala at umasa na posible lahat, tapos hindi naman mangyayari… mas masakit, mas malungkot. pero sinubukan ko tingnan ang mga bagay sa positibong paraan kahit na hindi sya na hindi sya umaayon sa aking inaasahan, sinusubukan ko pa rin kaso ang hirap pala. ang hirap hirap. ayoko mapagod pero nakakapagod pa rin. parang walang katapusang kabiguan. hindi ko alam. akala mo masaya ka na pero mamaya mapapraning ka kasi parang hindi ka hahayaan na magtuloy tuloy ung kasiyahan mo na yon. gusto ko isipin, “hindi, wag ka lang atat… makukuha mo rin yan,” pero minsan kahit alam mo namang hindi pa sigurado ung kabiguan mo, parang mas gusto mo na lang itigil lahat. kasi… pagod ka na. pagod na pagod ka na. kung may hangganan, gusto mo lang naman malaman kasi kung masasaktan ka lang ulit, tama na lang siguro. kasi parang sapat naman na lahat ng sakit na naranasan mo at ang tanging hiling mo lang naman ung maramdaman mo ung saya… ung kahit papaano sana matagal tagal naman hindi ung panandalian lang kasi siguro naman may karapatan ka ring sumaya gaya ng iba.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s